NURSING is an ART ( sabi ni kozier sa funda.. Xa unang nagsabi sa akin nian. Kaya salamat kozier 😊 ). Art at hindi basta art art lang.. Hindi kaARTehan.
NURSE
-a person trained to care for the sick esp. on hospital ( according to the dictionary sa phone ko and its obvious naman ang meaning nian.)
-to care or give care
-nurses prevents damn doctors from accidentally killing patients. (tama... Hehe. May mga bonaks kasing mangga minsan [ pero di maman lahat 😜 ] kaya dapat alerto ang nurse )
-pag ikaw ay nurse, sabihin rich ka na. Kasi daw for abroad xa. Pero di nila alam mahirap din maging nurse. Bkit? Una sa lahat ang dami dami dami daming RN ngayon. Walang work. Puro volunteer, un iba sila pa nagbabayad makapagtraining lang ( saludo ako sa mga ganyan.. Mayayaman sila may pambayad haha. Member ako ng club na yan dati no :0 [ gang RN pa ba naman magbabayad ka pa?!?extension ng college days haha]). Anyway, if ur a nurse kilala mo dapat si Nightingaleh, the Lady of the Lamp ( sya ang dahilan bat madami nurses ngayon. Siya sisihin nio kung may gusto manisi. Haha. Iniidolo sya ng mga RN at mga aspiring RN's ). Kilala mo si Kozier,Brunner,Suddarth, si Pilliteri,kilala mo din dapat sina freud at ung ibang kagrupo nia sa field nia ( madami sila diko na iisa isahin nkalimutan ko na nga sila eh haha ).Alam mo ang ibig sabihin ng NANDA, NCP ( ayaw na ayaw ko nun kilalanin to haha.. Anjan naman c NANDA nun kaya salamat sa kania ), MGH ( paborito ng mga estudyante ). Madami ka kilalang mga taong di mo naman akalaing kikilalanin mo at pilit ipinapakilala ng mga instructor mo nun. Alam mo mga prinsipyo nila sa buhay, mga inimbento o diniskubre at mga nilalaman ng utak nila tungkol sa mga tao, sa paguugali ng tao etc etc. [ well, my selective amnesia ako kaya nakalimutan ko na sila. Di naman nila ako kilala eh hahaha]). Pero nakatulong naman sila ng bongga. Dahil kung di mo sila naintindihan at inintindi nun ay di mo makakayanan ang work sa hospital. Dhil di mo maiintindihan ang ibig sabihin ng NURSING. Di mo maiintindihan ang pinagdadaanan ng mga pasyente mo. Ikaw ay isang nurse pag ang lagi mong sinasabi sa mga kakilala mong may problema ay "you seem upset!" saka "Tell me more..!". :))
- nurses can work with high or low salary ( un iba nga wala eh. Diba diba...). Nakakaalaga kami ng mahigit sa sampung tao sa walong oras na pagduduty. Gagawin lahat para makapagbigay ng care sa pasyente ( naks ). We are trying our best to give care to the best that we can ( ayun oh ). Tapos un iba tinuturing pa kming katulong nila kung makautos.. Wagas na wagas. ( well excuse me. May Degree kami. Professionals kami. Pinag aralan namin ang buong pagkatao nio, buong katawan nio [ ung mga cells, mga penis at vagina nio ] tas ginagago nio lang kmi ng ganun ganun ). Well sabi ko nga professionals kami at naiintindihan namin mga pinagdadaanan nio kaya we are trying to keep calm at gawin na lang un dapat namin gawin, trabaho nalang para kumita ( kahit pa sa loob loob namin eh namamatay na kayo sa mura. [bleh.. Kahit dun man lang mawala ang sama ng loob namin, ung malait kayo sa loob loob namin haha]). Pero my mga mababait naman kaya balance balance lng ( salamat sa kanila).
BAKIT AKO NAG- NURSING?
-during my time, in demand ang BSN ( lagi nga namin sagot sa school dati sa tanong na "Why NURSING" ay "Because nursing is in demand and i want ro earn dollars [ bt kaya di ko nasabing i want to earn riyals??? Para maiba naman haha.. Pwede!!!])
- another reason, kasi nursing din si ate ko.( sayang daw kc ung makakapal na book nila kozier, brunner at suddarth na libo libo ang bayad [ may valium un book nila promise. Try it:))))) ] kaya dapat may magmana ).
- lahat din kasi ng barkada ko e nursing ( minus 3[ electrical technology, industrial engineering at architecture sila.). Sa yearbook namin ang nakalagay sakin dun " i want to be a successful Architect someday ( e di sana kagaya na ako ni heinz na kumikita ng libo libo kada buwan ngayon haha. [ well sya ang tumupad sa pangarap kong maging successful architect haha]). Frustrated architect daw ako( pero sabi ng ate ko dati, hindi daw drawing lng basta basta ginagawa ng arki[ alm ko kaya, at natututunan naman yun ahh - sabi ko sa sarili ko]).
- gusto ko nun sumunod sa uso. Kaya ngayon isa na akong magiting na sumunod sa uso ( ay nurse pala hahaha ). Well im proud naman na natapos ko sya kahit pa aadik adik ako sa pagaaral nun ( walang drogang involve... Inaral ko lng sila di ako nagtry gamitin ). Eto ako ngayon, masaya as nurse ( im not just an ORdinary Nurse ).
WHAT I HATE DOING AS A NURSE
-madami ( hahaha ).
- hanggang ngayon nandidiri padin ako sa mga sumusukang pasyente. Nasasama akong susuka pag nakakakita ako ( pero kung may bibiyakin sa katawan wala lang sa akin hehe ). Di aq takot sa dugo pero sa suka ayaw ko. Hehe. Naeenganyo kasi ung sikmura ko sa amoy nia. Nainggit ba at gusto gumaya??!
-BT ( blood transfusion ). Natotoxic ako dati sa BT. Time to time kasi dapat icheck un patient for any reactions. Lalo na pag takot pa un pasyente ( my iba kasing feeling nila super duper to the maximum level sila katoxic kaya lagi ka iniistorbo. E madami ka pa procedures na dapat gawin sa ibang pasyente).
-KCL. Alam ng lahat ( mga nurse ) na masakit to ( napag aralan at hindi naranasan hehe ) at nakakamatay pag mali ang pagbibigay ( tsismosa ka pag alam mo un kwento na nangyari sa taga FATIMA nun haha). May mga pasyente kasing hindi matolerate un sakit habang dumadaloy sa ugat nila 'to. Xempre may sympathy kang tinataglay minsan kaya mejo binabagalan namin nun or ini stop few minutes ( pahinga muna ang ugat ). Kaya kami ang nboboljakan ni P nun sa QMMC ( sa kania ko kaya itusok yun at maramdaman nia???! May point naman xa pero may point din kmi hehe. At nagrefuse un pasyente e di i chart mo at ireport sa doctor. Problema ba yun !?! hehe)
-CHARTING. Documentation:any materials that provide official information or evidences that serves as a record. Lahat ng ginawa mo sa pasyente dapat ichart mo ( ginawa at di yun gagawin palang). Ayaw ko nun magcharting lalo na pag 15 plus pasyente ko, sakit sa kamay eh ( yan talaga dahilan ko kaya ayaw ko mag chart hehe) lalo na pag puro my procedures lahat ng hawak ko. Dpat in 8 hours tpos mo na para ready ka na mag endorse sa mga atat mong kasunod na shift. Pero naisip ko din naman nun na importante to ng bongga. Kc dito mo malalaman kung may ginawa ka o wala, o kung sino ang nagsisinungaling sa inio ng pasyente pag nagkaproblema ( pero in charting, sabi nila to save time mag chart ka na pag wala ka ginagawa pero it applies to all patients na di naman toxic at wala procedures ( gaya nalang ng mga MGH o un routine lng naman gagawin mo sa pasyente.pero sa mga may procedure, wait until you finish dw. Procedure first before chart. Its becuse,maybe you dont have the time to do the procedure sa shift mo ma tas nagchart ka na. Hassle yun diba. Mamroroblema ka pa nian dudumihan mo pa un chart mo). Kung ano ang ginawa mo sa pasyente i chart mo para safe ka pag nireklamo ka na di mo ginawa ang isang bagay o etc etc. Basic rule yun na dpat alam ng mga nurse. Kung ikaw ang umatend sa pasyente o ikaw ang may pasyente dpat ikaw magchart( kc ikaw nakakaalam nung ginawa mo eh [ exceptions na para sa akin yung mga charge nurse dito sa ward sa AZH. Lahat naman kasi pasyente nila eh. Alam ng charge nurse nila lahat ng ginawaga ng mga juniors nila sa pasyente nila kaya ok lng na sila ang magchart. Di gaya sa ibang area na kanya kanya sila ng pasyente. Kaya kung kanya kanya e dapat sau o ikaw ung magchart sa pasyente.kanya kanyang chart din hindi naman pwedeng asa female surgical ward ako eh ichart ko pati ung asa male surgical ward diba.Bonaks ang peg?! Adik ka kuya?! Kaya nga naghati kami ng pasyente diba?! Buti sana kung dalawa tayo umatend sa pasyente mo at hand in hand tau sa paggawa mg procedures sa pasyente mo diba!?!(reminiscing the past. Haha. Naalala ko tuloy mga eksena dati nun) Hindi ka nurse kung hindi mo ititake un responsibility na yun. ]) I therefore conclude ( haha ) that we should take the responsibility sa lahat ng ginawa natin. Dont play safe and selfish. Kaya ka nga nurse kasi alam mo un responsibility mo sa charting. I also conclude na charting will protect u and your patient in any circumstances. So be brave. ( so i should not include charting sa hate ko db... Deleted :D)
- talking to patients and relatives ( sa mga toxic ng bongga ). Sympathy is my thing hehe. Diko alam pero sobrang mababaw ang luha ko sa mga ganito ( sa ward ha ). Ayaw ko nakikipag usap sa kanila bout their conditions ( kaya nga lagi ko sinasabi hintayin nio nalang po si doctor porin, doctor alejandre at lahat ng surihano ko [ haha. Qmmc days]). Ayaw ko ng makipag balitaktakan kasi baka maiyak ako or baka may masabi akong di ko dapat sabihin ( kaya siguro sinasabi nila masungit daw ako etc etc hehe)
- insanity for sane. Natatakot ako sa mga pasyente sa mental. Hindi kasi ako marunong sa therapeutic communication na pilit nilang pinapaintindi sa akin ( tell me more lang alam ko. Alangan naman na puro tell me more lng ako ng tell me more at you seem upset jan. e para akong toddler na bakit ng bakit. E bawal nga ang bakit sa mga pasyenteng di matitino db. Mamaya binugbog pa ako at hindi nakalabas ng buhay sa mental o baka maiwan ako dun ).
WHAT I LOVE IN NURSING
- pag nurse ka, nakaputi at feeling ang linis linis ( ohh what i also hate that i forgot eh yun paglalaba ng white uniform hehe).ginagalang ka ( lalo na sa probinxa )
-SCRUB SUIT. Gustong gusto ko magsuot ng scrub suit lalo na nung naging OR nurse aq. Ang ganda ganda kc tingnan pero ano nga ba ang scub suit? Bkit tinawag xang scrub suit?
SCRUB SUIT ( noun ),A hygenic outfit worn by surgeons and any surgical staff ( ex. Scrub nurse ) while performing or assisting at any operations. ( according again sa dictionary sa phone ko ).
Napakalinaw naman db. Basta ang alam ko sa mga taga OR xa. Sa mga tga hospital( nursery at DR. Saka ER na rin. ICU. ). Wala naman akong nabasa na para sa mga yaya at tga parlor xa eh ( excuse po pasintabi po sa mga kapatid nating taga parlor at yaya. Hindi po ako nanlalait o anu pa man). Minsan kc yung mga totoong nurse na naka scrub suit pinagkakamalang yaya o manicurista ( dko pa naman naexperience yan ) kahit taas noo kahit kanino ka na isa kang magiting na nurse. My mga non medical fields din na akala ng iba isa silang nurse at feel na feel naman nila ( nakakaadik grrrre). Kaya advice ko sa mga OR nurse pag lumabas kau at feel nio to wear ur scrub suits outside ( which is hindi kc sterile kau db db,mga taga OR ) e siguraduhin niong may LOGO yung suot nio ng HOSPITAL na pinagtatrabahuan nio. At sana maisip naman ng mga tao na hindi basta basta naglalabas ang mga totoong nurse na nka scrub suit habang gumagala at super proud ipagsabi na isa silang nurse ( alm ko dpat maging proud pero hinay hinay naman. Almin naman kung saan pde ilugar ung salitang PROUD. Pero isipin din naman natin un salitang STERELITY at igalang naman si SCRUB SUIT 😜 😃 ).
- SCRUB NURSE . Isa akong dakilang scrub nurse. Kahit ano pa ipa scrub mo sa akin kahit walang tigil sa loob ng walong oras ayos lang sa akin( well basta my knowledge aq sa operation hehe). Nakakamiss tuloy un sa qmmc pag a.m. shift ka. Lahat kc ng elective cases sa umaga so tuloy tuloy ang kaso nun. Isang OR room sa isang scrub nurse with 3 patients minimum ( 5 OR rooms kmi nun,5-6 maximum. Iba pa ng emergency nian. Which is jan talaga aq natuto ( so super duper thanks or-qmmc sa training at experience.Bongga).
Kabisado ko na nun ang open chole nila sa qmmc ( dalawa araw araw ba naman nun), pati ang AP na sobrang oras oras na ata pag nyt shift ka, ang CS din ( kahit na ayaw na ayaw ko mag CS nun... Puro surgical po kc aq nun paxenxa na [ hindi dahil sa may mga itsura ang surihano ko at mababait sila pag tulog kaya nagustuhan ko ang surgical.in touch po kc aq sa surgical hehe. Nagsurgery ward po kc aq before OR. Saka aus po sa akin ung nakaksave ng mga dying patients {yung mga nasaksak tuwing weekends, mga nabaril, etc etc na kailangang i explor lap na laging natataon sa akin pag weekend na minsan buong shift ko ginagawa dahil toxic ang pasyente}. Hindi rin dahil sa my crush akong surihano at gusto ko lang xa samahan sa operation. Hindi po totoo un [in my entire life sa or-qmmc dalawang beses ko lang po xa nakasama. Isang AP na nagscrub out aq after kc my kaendorse na aq at isang explor lap na di naman aq dpat magscrub at niloko lang ako ni doc malto na aq gusto nia mag scrub dahil assist nia si mucho na sinang ayunan naman ng seniors ko na wala na aq nagawa. { memories haha}. Actually nag wo walk out po aq pag anjan xa dahil hindi ko talaga carry ang pangbubuking sa akin nga mga taong nakapaligid sa amin during operations. Imbes kc na xa ang mag assist e pinagpalit pa xa at nung junior nila para kami ang magkaharap. Haha. Aq naman si napipi ng bongga di na nagsalita haha. Well nka get over na aq dun. So memories memories]. Ayaw ko lng po kc ng OB cases since college days ko pa kaya if possible nun magcirculating nlng aq sa CS. 😊 ).
Pag OR nurse ka feeling ko ang galing galing ( kanya kanyang feelings walang pakialamanan ). Hindi kc basta basta nagagawa ng mga tga ibang area ang ginagawa namin sa loob. Which is pag ikaw ang OR nurse pd ka maging general nurse ( kc college days palang sobrang natuto ka na as general nurse). Pero pag galing ka sa labas at nilagay sa OR sobrang adjustments pa kc iba sa loob eh. We are dealing with our patients life ng bongga tlaga Kc binubuksan mo katawan ng pasyente eh. Unconscious sila nabigayn ng gamot pampatulog ng mga manggang ang business ay si PAIN. Iba ibang procedure ng mga iba ibang surihano / doktor na may iba ibang paraan ng pagoopera. Hindi basta basta. Kaya im so so proud to be an OR nuse. Saludo aq sa mga katulad ko 😊 ( hindi pang da down sa mga ibang area ha may kanya kanya tayong pagkakaiba pero mas kakaiba kc ang sa OR. Hindi basta basta para sa akin. Hindi aq nagmamayabang kc andito aq sa OR [ literal na andito aq sa OR nagta type nito hehe]. Basta... Be open minded nlang sa mga nkakabasa at babasa nito.basta... If ur a nurse, be proud of it!!!)
SURGICAL CONSCIENCE
- if u are not sure about the sterility of one object, consider it unsterile.
- one basic principle in OR or any operations/procedure
- qmmc nagturo sa akin nito ( akalain mo kelangan ko pa mapunta ng qmmc malaman lang yan. Wala ata ako natutunan sa SACI 'bout OR haha. Paxenxa naman). As an OR nurse dpat alam mo to ng bongga ( destiny ko talaga siguro maging OR nurse,kc highest aq sa pagkakatanda ko nung sa pre-test namin sa OR-qmmc eh dhil sa Principle na to. Hehe).
- it means na pag may gamit ka na di mo alm o sure, iunsterile mo na. Konxenxa mo na yun noh.basta..isipin lang ang sterelity.
PROFESSIONALISM
- noun., 1. the competence or skill expected of a professional 2. practicing any activity by professionals rather than amateur one. 3. the key to quality and efficiency is professionalism ( according to the dictionary ni iphone4s na naman ).
-nurses should be professionals coz dey are professionals. Act as one db. Lalo na during work we should not let our problems na walain ung professionalism na yun. Work is work. Walang personalan trabaho lang sabi nga nila. Kung may problema ka sa bahay nio leave it der. Iwan mo un sa bahay at pagpasok mo sa work kalimutan mo xa.pag may problema ka sa boyfren mo kalimutan mo muna si boyfriend, iwan mo sila sa labas ng hospital ( no I.D. No entry haha). Kung galit ka iwan mo xa san ka man nanggaling. Para hindi madamay ang work mo, hindi madamay ang mga kasamahan mong walang kamalay malay sa pinagdadaanan mong kaitiman ng pag uugali mo este problema mo pla.PROFESSIONAL nga db. Sumumpa ka sa trabaho mo bilang propesyonal, so umakto kang propesyonal. Mahirap bang intindihin yun!!!?? Npakasimple. Sigaw sigawan ka man ng doctor jn bout work, dont take it too personal ( may mga doctor kasing bonaks gaya ng sabi ko[kaya isipin si propesyonal], may iba naman na pag di nagawawa yun gusto o di magawagawa yung procedure eh sa atin binubunton ang galit ( opppps!! May kilala akong ganyan, madami na aqng nakasalamuhang ganyan). Gang dun lang naman yun eh. Tumahimik ka muna and defend urself if u have the chance to talk.As a respect na lang sa surihano mo ( doktor mo ). Kasi kahit sang anggulo mn tingnan doktor mo pdn yun.. Respeto nlng. Kasi After the procedure or work wala na yun kaya walang personalan ( well,examine urself muna pla. Kasi kung ano man pinapakita ng doktor mo sayo, nagrereflect din yn sa pnu ka sa knia.kung gago xa gago ka din. Pero kung kalmado ka at alm mo dumistanxa pag nagiging demonyo xa.. Kung pinapakita mo ang mala anghel mong ngiti sayong labi, xa na mismo mahihiya. RESPETO ). Pero kung araw araw na lang galitin ka pakitaan ka ng kadiliman ng budhi nila... Nakkkuuu! Ibang usapan na yun. Sagutin mo na. Kausapin mo na pla.Kung lahat ng work sayo pinapagawa kahit my ginagawa ka pang iba at sasabihing pagod na pagod na sila tas magagalit sila after at sabihin wala ka ginagawa.. naku... Personalan na yan. Nabubulag na kasama mo sa work nian ( wala ka daw ginagawa??di ka daw nakikita?? Naku bka absent ka sa duty kaya ganun haha)selfishness and seniority and whatsoever(man of steel ang tingin sayo na kala mo di ka din napapagod na to think eh ms madami ka pa ginawa sa kanila). In that case kausapin mo na si work mate bout their attitude.( so far sobrang npakabait naman ng mga seniors ko, ever). Kahit san man lumalop, kahit san mang parte ng mundo dapat alm mo salitang professional sa tamang paraan, seniority sa tamang paraan,selfishness sa tamang paraan. Sumumpa tau bilang propesyonal na maging responsable sa responsibilities as a nurse. So di naman tamang ipasa ang reponsibilidad dhil sa katamaran, baluktot na pag iisip, maitim na budhi o pag uugali at kaartehan natin. Set aside ba. PROFESSIONAL PROFESSIONAL PROFESSIONAL ( paulit ulit!? ). I remember dis one group sa past ko ( hehe ), nagpost aq ng something sa FB bout this one bitch-epal-nurse3 girl spreading some fucking news bout us, freak out ang beauty. Post sa FB and something something ( umiral ung pagka -pisces ko). Then after that,someone approach me asking me (as in me ), if nag aaway daw kmi ni OR girl ( freak out with matching LOL ako haha). I told them the truth the whole truth and nothing but the truth.. I said, NO. Bt aq magpo post ng ganun kung ksama ko sa area? Sa trabaho? E di gulo na yun. Adik lng?? Assuming?? Simula that day di nia ako kinausap with her group of course. Ni wala aq ginawa sa knia ever ( they are just paranoid. they think na cla na yun to think na di kmi nagka encounter, naguusap o something. ang away nila ng kaibigan ko bgo ko sila nakilala, away nila lng at di ako ksali). Tas ganun ganun. Diko din xa kinausap. nothing to explain. Nagtrabaho lng kmi ng nagtrabaho. Inisip ko nlng na isa akong propesyonal na nurse. Ganun din xa. Trabaho trabaho. Walang usap walang gulo at puro trabaho.propesyonal kmi eh. Ayunnnn... PROFESSIONALISM.
-learn to say NO ( according to Robie ). Kung pinapagawa na sau lahat lahat, humindi ka na. Hindi ikaw si superman o wonderwoman na may powers to do everything they want. Aabuso yan. Promise. At iitim at iitim ang mga budhi nila.
- trabaho lang walang personalan. Kung friendship kau ng kwork mo at nag away kau, trabaho lng kau,isipin un work at hindi away. Hindi yung pag iinitan mo un isa dahil my hindi xa ginawa,nagawa o sinabi as a friend. Asa trabaho kau ehh. Just try to be professional coz u are professionals.
Conclusion:
- masaya aq sa pagiging nars ko. Dahil hindi aq basta basta o odinaryong nars. May kanya kanya tayong paraan para maging espesyal na nurse
- may kanya kanya tayong isip, mga pananaw sa ating profession. Pero iisa lng ang ating goal ( nursing goal hehe ).
- may natamaan man dito o nasaktan, diko po sinasadya. Based lng sa experience ko in 4 years as a nurse ( nakkkss akalain mo nga naman). Well, thankful aq sa lahat ng naging parte ng nursing life ko at sa KANYA.
No comments:
Post a Comment